Ibinida ni social media personality Donnalyn Bartolome sa kaniyang Instagram account nitong Martes, Setyembre 26, ang nominasyon niya bilang “Best Content Creator” sa prestihiyosong “Septimius Awards”.

“We’re going international babies 😭 I am a nominee at the prestigious @septimiusawards ceremony as a Best Content Creator nominee,” saad ni Donnalyn sa caption ng kaniyang post.

Mas lalo rin umano siyang naging proud sa kaniyang sarili nang malaman niya kung sino-sino ang mga kapuwa nominado sa nasabing awarding ceremony. Para sa kaniya, isang malaking tagumpay na umano ang mapabilang ang pangalan niya sa listahan.

“I was even more proud after finding out who the nominees alongside me are🥹 being nominated with these globally well-known, hardworking and inspiring individuals is already a win for me, because in my opinion they all deserve this award.”

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa Amsterdam gaganapin ang awarding ceremony. Nagpasalamat si Donnalyn sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sa mga ginawa niyang content.

Matatandaang kamakailan ay naging kontrobersiyal pa si Donnalyn dahil sa

“baby themed” birthday photoshoot at “kanto-style” birthday party.

Inulan din siya ng batikos dahil sa pang-iinvalidate sa feelings ng mga netizen na nalulungkot dahil sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.

MAKI-BALITA: Janina Vela, nag-react sa naging pahayag ni Donnalyn Bartolome: ‘Valid mapagod at malungkot’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

MAKI-BALITA: Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens