Walang nanalo sa jackpot na ₱49.5 milyon sa ginanap na draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Biyernes ng gabi.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakahula sa winning combination na 10-12-31-36-58-19.
Dahil dito, inaasahang tataas pa ang premyo sa susunod na draw ng Ultra Lotto.
Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo, ayon pa sa PCSO.