Dalawang pulis-Cavite ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng reklamong pangongotong sa mga transport group sa Bacoor, Cavite nitong Martes ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang pulis na kapwa nakatalaga sa Cavite Police Provincial Office (PPO).

Kabilang din sa inaresto ang umano'y kasabwat ng dalawang pulis.

Paliwanag ng CIDG, nakatanggap sila ng reklamo na nangongolekta umano ang mga suspek ng bayad o payola mula sa mga tricycle operator, drivers' association, at iba pang transport group kada buwan.

Tinatayang nasa ₱1.5 milyon ang nakokolekta ng mga suspek kada buwan at idinadahilang mapupunta ito sa mga opisyal ng Bacoor Traffic Management Department.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong baril at iba pang personal na gamit.

Nakatakdang isampa ng pulisya ang mga kasong robbery, illegal possession of firearms, at paglabag sa Omnibus Election Code (Batas Pambansa Bilang 881).