Maglalaro na sa Philippine Basketball Association (PBA) si dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Ricci Rivero.

Si Rivero ay kinuha ng Phoenix Super LPG Fuel Masters at ika-17 napiling papasok sa pro-league sa isinagawang PBA Rookie Draft sa Market! Market! Taguig City nitong Linggo ng hapon.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Naging bahagi rin si Rivero ng koponang De La Salle University nang kamkami ang kampeonato noong 2016 at University of the Philippines (UP) squad na nanalo sa UAAP Season 84.

Sa nasabing Rookie Draft, napili ng Terrafirma si Stephen Holt bilang No. 1 overall.

Dating naglaro si Holt sa NBA G League at European leagues.

Ikalawa si Christian David na napili ng Blackwater habang ang ikatlo ay si Luis Villegas na hinatak ng Rain or Shine.