Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nalungkot siya sa balitang inunfollow ng panganay na anak na si KC Concepcion, ang kaniyang mister at step dad nitong si Atty. Kiko Pangilinan, pati na rin ang step sister na si Frankie o tinatawag ding "Kakie."

Humarap sa press ang Megastar, sa isinagawang media conference ng upcoming concert ng dating mister na si Gabby Concepcion, na may titulong "Dear Heart."

Ang venue ng mediacon ay sa Okada Manila nitong Biyernes, Setyembre 15, na bagama't iisa lang ang venue ay hiwalay naman ang naging mediacon ng dalawa. Nagkaharap lamang sila dahil sa photo opportunity.

As usual naman ay handang-handa si Megang sagutin ang mga isyu sa kaniya at sa pamilya sa nagdaang buwan; sa katunayan, hindi pa man siya natatanong tungkol dito ay inunahan na niya ang madlang media peepz.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Isa nga sa mga nauntag sa kaniya ay ang tungkol sa pag-amin ng panganay na inunfollow niya sina Kiko at Kakie. Aminado si Sharon na nalungkot siya sa mga nangyari.

Pagdating naman sa sinabi ni KC sa isang panayam na minsan ay nakakaramdam siyang mag-isa lang siya, sinabi ni Mega na choice daw ito ni KC noon pa man.

Nang magsimula raw mag-aral sa Europe si KC, kinailangan daw nitong ma-train na maging independent. Bagay na inamin naman ni KC na malaki ang naitulong sa kaniya dahil kaya niyang mabuhay sa ibang bansa kahit siya lang at walang kasamang kasambahay o helper.

"It was her choice, nakangiti at maayos na paliwanag ni Sharon.

Hindi raw niya pinigilan ang anak sa mga gusto nitong gawin sa buhay. Gusto niya itong lumipad sa sariling pakpak.

Hinayaan niya rin si KC na magkaroon ng sariling savings, just in case na hindi siya makapag-asawa at mamuhay nang sarili, mayroon siyang sariling ipon.

"Being alone was her choice," giit pa ni Mega.

Inilarawan din ni Shawie kung ano ang relasyon ni KC sa kaniyang step dad na si Kiko.

MAKI-BALITA: KC, kinumpirmang inunfollow sina Kiko, Kakie para sa ‘peace of mind’ 

MAKI-BALITA: ‘Isang venue, hiwalay na mediacon!’ Gabby at Sharon muling nagkaharap