Kinabiliban ng netizens ang husay ng anak ni Cristine Reyes na si Amarah sa Instagram post ng aktres nitong Sabado, Setyembre 16.

Mapapanood kasi sa ibinahaging video ni Cristine ang performance ni Amarah sa gymnastics para sa sinalihang 2023 Friendship Meet.

“Kahit tatlong oras lang tulog ko, I need to be here. Proud of you! Congratulations, Amarah! Mommy loves you! ❤️❤️❤️” saad ni Cristine sa caption ng kaniyang post.

Narito naman ang komento ng netizens sa ipinakitang husay ni Amrah:

Netizens bilib kay Cristine Reyes sa ‘co-parenting’ nila ng dating asawa

"Milo baby din ako pero hangang swimming pool lang sa bahay 😂 galing ni Amarah 🙌🏻"

"Woww 😍congrats beautiful Amarah we miss you ❤️kisses and hugs from us"

"Galing"

"WOOOW Amarah! 💖 Congratulations! So talented and smart 🥹"

"Wow ! Congratulations! We should have been there 👏👏👏👏"

"❤️❤️❤️ whoah ang galing"

Si Amarah ay anak ni Cristine Reyes sa dati nitong asawang si Ali Khatibi.

Matatandaang kamakailan lang ay muling nagkita ang dalawa para kay Amarah kahit umamin na noong mga panahong ‘yon si Marco Gumabao na may namamagitang “something special” sa kanila ni Cristine.