Tila inasar ni Paul Jake Castillo ang kaniyang misis na si Kaye Abad, kaugnay pa rin sa isyung marami siyang kabuntot na bodyguards habang nasa grocery.

Kumalat kasi ang isang TikTok video kung saan makikitang may mga nakasunod na lalaking naka-uniporme ng puti kay Kaye habang kumukuha ng grocery items at inilalagay ito sa loob ng push cart.

Paglilinaw ni Kaye, hindi niya ito bodyguards dahil hindi siya nagsasama ng mga ganito sa tuwing umaalis siya.

MAKI-BALITA: Kaye Abad nagsalita sa isyung nag-grocery lang, dami pang bodyguards

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa panayam sa kaniya ni DJ Jhaiho, ito raw ay sariling provide ng grocery store/mall para sa mga kagaya niyang celebrities na naggo-grocery sa kanila, upang matiyak ang kanilang kaligtasan lalo't kasama pa niya ang mga anak.

Sa TikTok video ni Paul Jake, makikitang nasa isang handaan si Kaye kasama si Paul Jake. Habang kumukuha ng pagkain ang misis, mapapansin ang mga nakatayong lalaki sa bandang likuran niya.

"Mga bodyguards mo?" tanong ni Paul Jake.

Dumila si Kaye sa kaniya sabay sabing "Waiter na!"

Si Paul Jake ay naging housemate sa "Pinoy Big Brother: Double Up" bago niya pasukin ang showbiz.

Sa kasalukuyan ay abala si Paul Jake sa kaniyang mga negosyo sa Cebu.