Napag-usapan ng "Ogie Diaz Showbiz Update" hosts na sina Ogie Diaz at Mama Loi na may nakapagsabi raw sa una na mas natutuwa ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin, dahil kapag nasisita sila ay agad daw humihingi ng paumanhin.

Ayon sa impormante ni Ogie mula mismo sa isang miyembro ng board, agad daw nagsasadya ang mga staff sa tanggapan ng MTRCB upang personal na humingi ng dispensa, kapag na-call out sila. Matatandaang noong Pebrero ay nasita sila ng Muslim community dahil daw sa portrayal nila ng mga karakter na Muslim sa serye.

Kaya napatanong tuloy si Mama Loi kung hindi ba ganoon ang ginagawa ng It's Showtime staff?

Iyan daw ang dapat kumpirmahin, sey naman ni Ogie.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nabanggit din umano ni Ogie sa kaniyang kausap na MTRCB member na baka puwede raw magkaroon ng pa-seminar ang ahensya para sa live show hosts para conscious sila sa mga salitang sasabihin nila lalo na't napapanood sila sa telebisyon.

https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=PGQggM0pIbs