Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na post sa social media na makatatanggap ng ₱5,000 food stamp allowance ang mga hindi miyembro ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at Unconditional Cash Transfer (UCT) program.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Para sa kaalaman ng lahat, ang Food Stamp Program ng DSWD ay hindi nagbibigay ng pera o ayuda subalit ang mga benepisyaryo nito ay nakatatanggap ng ₱3,000 food credits sa kanilang mga Electronic Benefit Transfer (EBT) Card na maaaring makabili ng masustansya, mura at masarap na pagkain sa mga DSWD-accredited local retailer," anang DSWD.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad nito," babala ng ahensya.

Ang Food Stamp Program o ang "walang Gutom 2027" ay isa sa bagong prayoridad na programa ng ahensya na may layuning matulungan ang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng EBT card na kakargahan ng foods credits.