Game na game na tinanggap ng vlogger at ABS-CBN actress na si Ivana Alawi ang hamon sa kaniyang kapuwa content creator na si Armando.

Sa isang post kasi ni Armando na nag-trending kamakailan, makikita roon ang larawan kung saan nakasulat sa bakod ang babalang “BAWAL UMIHI DITO! PERO SI IVANA ALAWI PWEDE”.

At nito ngang Sabado, Setyembre 2, tampok sa latest vlog ni Ivana ang pagkikita nila ni Armando

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Armando, dalawang taon na raw ang nakalilipas simula nang ipagawa ang nasabing bakod. Dagdag pa niya, mahirap umanong ma-achieve ang atensiyon ni Ivana kaya talagang pumili umano siya ng kakaibang paraan upang magpapansin sa actress.

“Maraming nag-a-i love you kay Ivana Alawi, maraming nagha-hi, marami. Ang dami. Generic na,” paliwanag ni Armando.

Kaya naman masayang-masaya si Armando dahil bukod sa nakuha nito ang atensiyon ni Ivana ay binigyan pa siya nito ng ₱50,000.

Sa huli, nag-picture silang dalawa nang nakaharap sa bakod na tila umiihi roon.

Matatandaang nawindang si Ivana sa nabanggit na larawan ng babala sa pader, matapos itong makarating sa kaniya dahil naging viral sa social media.

MAKI-BALITA: Ivana windang sa babala; siya lang puwedeng umihi

Si Ivana Alawi ay muling magbabalik-telebisyon sa pagbubukas ng bagong kabanata ng patok na teleseryeng “FPJ’s Ang Batang Quiapo” kasama ang mga artistang sina Jaclyn Jose, Soliman Cruz, Julio Diaz, Vandolph Quizon at Robert Sena.