Tinawag ng Gabriela na “isang malaking budol” ang price ceiling sa bigas na itinakda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa buong bansa.

Matatandaang inaprubahan ni Marcos kamakailan ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magpairal ng price cap upang matiyak umano ang makatwirang presyo ng bigas at madaling maabot ng mga Pinoy.

Sa ilalim ng EO 39 na magiging epektibo sa darating na Setyembre 5, ₱41.00 kada kilo ang mandatong price ceiling para sa regular milled rice, habang ₱45.00 kada kilo naman ang para sa well-milled rice.

MAKI-BALITA: Marcos, nagtakda ng rice price ceilings nationwide

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Ngunit ayon kay Gabriela Secretary-General Clarice Palce, maliliit lamang na retailers ang maaapektuhan ng price ceiling at hindi umano ang malalaking hoarders.

“Bukod sa pangako niyang ₱20 kada kilo ng bigas, tinitira lang nito ang maliliit na retailers imbes na ang malalaking hoarders na nagmamanipula ng presyo ng bigas,” giit ni Palce.

Sa halip na price ceiling, ani Palce, dapat umanong suspendihin na lamang ang Rice Liberalization Law.

“Isuspinde natin ang Rice Liberalization Law para mabalik ang mandate ng NFA sa ₱27 hanggang ₱32 kada kilo ng bigas na mas abot-kaya natin,” saad pa ni Palce.