Suspendido na ang pasok sa lahat ng government office at klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila ngayong Huwebes, Agosto 31, bunsod na rin ng walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat at bagyong Hanna.

Sinabi ng Malacañang na ang kanilang kautusan ay batay na rin sa rekomendasyon National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dakong 3:00 ng hapon, tigil na ang lahat ng transaksyon sa mga opisina ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services," ayon pa sa kautusan ng Malacañang na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.