Ni-revoke na ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng baril ng suspek sa naganap na road rage incident sa Quezon City kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni PNP public information office chief, Brig. Gen. Red Maranan sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, Agosto 28.

Ang naging hakbang aniya ng PNP Firearms and Explosive Office (FEO) ay batay na rin sa direktiba ni PNP chief, Gen. Benjamin Acorda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa rekord ng PNP, nakilala ang suspek sa naturang insidente na si Wilfredo Goinzales.

Pagdidiin ni Maranan, tatlong baril ang pag-aari ni Gonzales.

Kapag revoked na aniya ang License to Own and Possess Firearm (LTOPF), susulatan pa ng PNP ang may-ari nito upang mai-surrender ang mga ito sa FEO.

Aniya, sakaling hindi naisuko ang mga baril, kukunin ito ng pulisya sa pamamagitan ng search warrant.

Nagbabala rin ang PNP na sakaling hindi naisuko ang mga baril ay kakasuhan ito ng illegal possession of firearms.

Matatandaang viral sa social media ang footage ng pagbunot ng baril ni Gonzales sa harap ng nakaalitang siklista sa Welcome Rotonda sa boundary ng Maynila at Quezon City nitong Agosto 8.

Nitong Linggo, Agosto 27, sumuko si Gonzales kay Quezon City Police District chief, Brig. Gen. Nicolas Torre III.

Idinagdag pa ni Torre, hindi pa naghahain ng kaso ang siklista laban kay Gonzales na nauna nang nagsabing nagkasundo na umano sila ng biktima.