"Para lang po ito sa mga matatandang nauuhaw at laging nilalamig na walang kayakap."

Viral sa social media ang mistulang ‘shot puno package’ na ipinamigay ng isang aspiring barangay captain sa Barangay Bagbaguin, Meycauayan, Bulacan.

Kinaaliwan ng netizens ang isang Facebook post ng aspiring barangay captain na si Elzen P. Estores dahil namigay ito ng isang pitchel na naglalaman ng shot glass, pulutan na sitsirya, gin bilog, at pang-chaser.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“Shottttt punooooo! Sagot ko na ang shot glass, pitchel, pulutan, chaser, at gin mo. Gusto mo pati kuwento sagot ko na rin para lahat masaya,” saad ni Estores sa naturang Facebook post kamakailan.

Binigyang-diin naman nito na hindi siya namimigay sa mga bata.

“Hindi po ako magbibigay sa mga bata nito. PG 18+ is advised. Kaya ‘wag kayong paladesisyon na magbibigay kami sa mga bata,” ani Estores.

“Para lang po ito sa mga matatandang nauuhaw at laging nilalamig na walang kayakap. Kaunting kasiyahan lang po huwag po tayo KJ baka mamaya bigla tayong mastroke,” dagdag pa niya.

Sa eksklusibong panayam ni Estores sa Balita sinabi niya na pampa-goodvibes lang ang ginawa niya.

“Maraming natuwa sabi nila [netizens] dapat daw dun ako tumatakbo sa [lugar] nila at sure na mananalo ako,” aniya.

Gayunman, hindi raw naiwasan na magkaroon ng negatibong komento tungkol doon sa mga ipinamigay niya.

“Bakit daw ‘yun ang ipinamigay ko dapat mga gamot, gamit ng bata, nauna ko na po ‘yun ipinamigay bago ito [shot puno package],” saad niya.

Kahit nakakakuha ng negatibong komento, mas pinili na lang ni Estores na hindi sumagot dahil hahaba lang daw ang usapan.

Matagal na rin daw siya tumutulong sa mga tao mula pa noong kasagsagan ng pandemya. Katunayan, makikita sa kaniyang Facebook page na Team Elzen Estores ang mga ginagawa niya sa kanilang barangay.

Habang isinusulat ito, umabot na sa 14K reactions, 4.2K comments, at 38K shares ang naturang post ni Estores.

Maraming netizens din ang napa-sana all!

"madam isa po ako sq wlang kayakap,, ky ako po ay iyong pagbigyan ,, thank you po"

"Sana all ganyan kapitana,lipat ka na po dito samin sigurado panalo ka po samin.Yung lalabas ka palng ng bahay may sumisigaw na po na kapitana salamat po sa pa shot puno"

"Madam isa ako sa mawawalan na ata ng kayakap hahaha. Mas mainam pa yang pitchel na yan ang kayakap haha"

"Panalo na tong kapitana namin"

"Sana all nalang muna ko"

"ays sanaol madam"

"WoW kapitana Kong gangster

Baka nmn Maka tikim kami Nyan"

"Madam, may shot glass na kami..yung ititimpla at pagtitimplahan nalang wala"

"Ito yung maangas na kandidato pero alam mong may puso sa tao parang tatay digong alam nila kung saan kukunin mga kiliti ng tao Goodvibes lang sarap mo iboto kap kahit taga parañaque ako haha"