National

Akbayan, kinondena pag-acquit kina Enrile sa kasong plunder

Pumalag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kumakalat na impormasyon na ididiretso na sa mga paaralan ang educational assistance para sa mga mag-aaral.

Sa Facebook post ng DSWD, nilinaw na wala pang tiyak na detalye kung kailan magsisimula ang pamamahagi ng educational assistance sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad nito," anang DSWD.

Nauna nang kumalat sa social media ang naturang impormasyong nagsasabing dapat munang mag-register sa bagong link ang sinumang nagnanais na mabigyan o kumuha ng educational assistance.

Kaugnay nito, hinikayat ng ahensya ang publiko na i-report kaagad sa kinauukulan sakaling makatanggap ng kahalintulad na impormasyon o abis