Ibinahagi ng social media personality na si Rendon Labador ang ginawa niyang pagbisita sa isang elementary school ngayong Sabado, Agosto 12, upang manlibre ng pagkain sa mga bata.

Mula sa isang sikat na fast food chain ang mga pagkaing inihain ni Labador at ng kaniyang team sa Doña Basilisa Yanco Elementary School sa Mandaluyong City.

"Walang katumbas na saya kapag nakakatulong ka sa kapwa," aniya.

“Protektahan natin ang kaisipan ng ating mga kabataan.”

MTRCB, ipinatawag ang It’s Showtime producers hinggil sa umano’y ilang eksena nina Vice, Ion

“Ipaglalaban ko kayo! Time to give back. Charity day for the kids!" dagdag pa niya.

Sa isa pang Instagram post, "Hindi ako mayaman at hindi rin ako pulitiko. Isa lang akong ordinaryong Pilipino na gusto kayong ipaglaban at makatulong saaking simpleng kaparaanan #stayMotivated."

Matatandaang sinita niya sina Vice Ganda at Ion Perez sa "It's Showtime" dahil sa umano'y ginawa nilang "indecent acts" sa segment na "Isip Bata" sa nabanggit na noontime show.

Maging ang "Movie and Television Review and Classification Board" o MTRCB ay kinuha na rin ang atensyon ng programa.