Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa Zamboanga City kamakailan.

Sinabi ng Philippine Navy na ang apat na bandido ay boluntaryong nagtungo sa Naval Forces Western Mindanao headquarters sa Zamboanga City upang magbalik-loob sa gobyerno nitong Agosto 9.

Gayunman, hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng apat na dating miyembro ng ASG na personal na humarap kay Naval Forces Western Mindanao commander, Rear Admiral Donn Anthony Miraflor.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang armas bilang tanda ng seryosong pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol