Nag-aalburoto pa rin ang Bulkang Mayon sa nakalipas na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, nakapagtala rin sila ng 129 pagyanig at apat na pyroclastic density current (PDC) events simula Miyerkules ng madaling araw hanggang Huwebes ng madaling araw.

Nagbuga rin ng lava ang bulkan na umabot hanggang 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 2.8 kilometro naman sa Mi-isi Gully.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Agosto 9, nasa 2,689 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga rin ng Mayon Volcano.

Umabot naman sa 1,500 metrong taas ng usok na pinakawalan ng bulkan ang tinangay ng hangin pa-timog-kanluran, timog-timog silangan at silangan-timog-silangan.

Nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan.

Panawagan muli ng Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa ipinaiiral na 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.