
(Manila Bulletin File Photo)
6/55 Grand Lotto draw: Halos ₱50M jackpot, 'di tinamaan
Hindi napanalunan ang halos ₱50 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi.
Binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6-digit winning combination na 16-01-06-34-02-38.
Nasa ₱49,642,026.40 ang jackpot para sa naturang draw, ayon sa ahensya.
Wala ring tumama sa 6/45 Mega Lotto na may winning combination na 04-03-39-38-44-12.
Sinabi ng PCSO, aabot naman sa ₱44,869,779.6 ang katumbas na jackpot nito.