Ibinahagi ng TV Host-actress na si Ruby Rodriguez ang muling pagkikita nila ng aktor na si Alden Richards sa US kamakailan.

“Im so happy to be re-united with my anak @aldenrichards02 and the beautiful @michelledee,” saad ni Ruby sa kaniyang IG post noong Agosto 4.

Ruby Rodriguez at Jose Manalo, nag-reunite sa US; Netizens, gustong pabalikin si Ruby

Nagtungo sa US sina Alden at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee dahil sila ang naging hurado ng Miss Filipina International na ginanap sa Beverly Hills, California noong Agosto 5.

Matatandaang nagkama sina Ruby at Alden sa dating “Eat Bulaga.”

Bukod kay Alden, nag-reunite rin noong Hulyo sina Ruby at Jose na ibinahagi rin ng una sa kaniyang Instagram.

Maki-Balita: Ruby Rodriguez at Jose Manalo, nag-reunite sa US; Netizens, gustong pabalikin si Ruby