Muling nagkita ang mga 'legit dabarkads' na sina Ruby Rodriguez at Jose Manalo sa Estados Unidos.

Ibinahagi ni Ruby ang muling pagkikita nila ni Jose sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hulyo 7. 

"Look who visited me! My buddy legit dabarkads Jose Manalo," saad ni Ruby. "Miss u brad. lalo na sa pasalu para sa mga bagets!!!"

Dahil sa tagpong ito, pinababalik ng mga netizen si Ruby sa Pilipinas at sinabing mag-host daw sa E.A.T ng TVJ sa TV5. 

"Ms Ruby and Sir Jimmy need bumalik sa Dabarkads Solid"

"Kaya po pala wala si Sir Jose, sa EAT! Pero po mabuti na yan nakapagkita na po kayong dalawa, Ma'am Ruby"

"Oh wow …kaya pala wala si Jose sa EAT. Also Wally. Hope makabalik ka na din Ms Ruby, iba ang dating DABARKDS LALONG MASAYA.ingat kayo!"

"Ingat po, Sir Jose M. I miss seeing you guys 6x/week. Now, that TV5 does not have airing in the US like GMA, I can not watch you guys anymore."

"sinundo na ni jose si ruby saka si jimmy saints pababalikin sa e.a.t"

"Legit Dabarkads rodriguezruby & Jose Manalo, sweet take ruby home with you back home in ph, para balik na ang saya in EAT Dabarkads"

"Sugod sa U. S. A. ang narating Wow! Sinusundo ka na TaRubs... Dahil isa kang legit dabarkads"

"Balik ka na Ms. Ruby para kumpleto Dabarkads"

Matatandaang isa rin si Ruby sa mga nagbigay ng pahayag matapos ang kontrobersyal na pagkalas ng mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE, Incorporated noong Mayo.

National

PNP, nakahanda sa posibleng pagbabalik-bansa ni Zaldy Co