LIPA CITY, Batangas — Patay ang isang magsasaka nang pagsasaksakin ng kapuwa niya magsasaka noong Linggo ng gabi, Agosto 6 sa Sitio Balagbag, Barangay Dagatan, dito.

Kinilala ng Lipa City police ang biktima na si Dominador Cabague, 53, binata, at ang suspek na si Roque Temperature, binata, kapuwa residente ng nasabing lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi pinagsusuntok ng suspek ang likod ng biktima na naging sanhi umano ng pagkabagsak nito sa lupa, at sinundan ng ilang ulit na saksak at saka tumakas.

Dinala ang biktima sa Lipa City District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival dakong alas-9 ng gabi.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa pagpaslang at pagkakaaresto sa suspek.