Nasa 128 pang pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ng Phivolcs, 191 beses ding nagbuga ng mga bato ang bulkan bukod pa ang siyam na pyroclastic density current (PDC) events nitong Linggo ng madaling araw hanggang Lunes ng madaling araw.

Umabot din sa 1,128 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan nitong Agosto 6.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagkaroon din ng lava flow sa Mi-isi Gully at ito ay umabot sa 2.8 kilometro.

Apektado rin ng 3.4 kilometrong pagragasa ng lava ang Bonga Gully.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 600 metrong lava pagdaloy ng lava sa Basud Gully.

Namataan din ng ahensya ang katamtamang pagsingaw ng bulkan o pagpapakawala nito ng puting usok na napadpad pa-silangan hilagang silangan at silangan-timog silangan.

Ipinagbabawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.