CANDABA, Pampanga — Arestado ang isang senior citizen dahil sa pagbebenta ng umano’y shabu kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bahay Pare rito, noong Huwebes, Agosto 3.

Kinilala ng PDEA team leader na si Ernesto Cruz, 63, ng Brgy. Vizal Sto. Niño, Candaba, Pampanga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ng mga awtoridad na si Cruz ay isang recidivist mula nang siya ay makulong ng apat na taon dahil sa umano’y pagtutulak ng droga.

Nasamsam mula sa suspek ang isang medium plastic wrap na may magazine at tape na naglalaman ng humigit-kumulang 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱680,000  at marked money.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA-Central Luzon sa pinangunahan ng PDEa Bataan Provincial Office.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.