Nagpakawala na ng tubig ang tatlong dam sa Luzon matapos mapuno dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng walang tigil na pag-ulan sa bansa.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa tatlong water reservoir ang Ipo Dam, Ambuklao Dam at Binga Dam.

Binuksan ng 0.15 metro ang isang gate ng Ipo Dam dakong 6:00 ng umaga nitong Huwebes matapos maitala ang 101.07 na water level nito, mataas kumpara sa normal high water level (NHWL) na 101.00 metro.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang din sa binuksan ang Ambuklao Dam matapos umabot sa 751.65 metro ang water level nito, mataas kumpara sa NHWL na 752.00 metro. Pitong gate nito ang nakabukas ng hanggang 3.50 metro.

Binuksan naman ng hanggang 4.50 metro ang anim na gate ng Binga dam matapos umabot sa 574.43 metro ang water level nito, mataas kumpara sa NHWL na 575.00 metro.

Katwiran ng PAGASA, hindi kakayanin ng tatlong dam ang mataas na lebel ng tubig nito na resulta ng ilang araw na pag-ulan.