Naispatan umano ang "Wowowin" host na si Willie Revillame sa headquarters ng "People’s Television Network (PTV)" kamakailan kaya umugong ang usap-usapang baka ito na ang magiging tahanan ng kaniyang show, mula sa "ALLTV" ng mga Villar.

Kumakalat kasi ang larawan ni Willie kasama sina PTV news anchors Aljo Bendijo at Diane Querrer na kuha noong Hulyo 25, kaya espekulasyon ng mga netizen ay may namumuong negosasyon sa pagitan ni Willie at government-owned network.

“Kuya Wil visits PTV,” mababasa sa Facebook post ni Diane.

Ibinahagi rin ni Aljo ang mga larawan ni Willie habang nasa loob ng PTV studio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Daghang salamat sa pagbisita sa PTV, Willie Revillame. Syempre, di rin pahuhuli para magpa picture ang mga gwapang news anchors na sina Diane Querrer, Angelique Lazo at PTV General Manager, Ms. Ana Puod. Paparating na daw ang mga jacket. Bira na! Pusang iring," mababasa sa caption ng male news anchor.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Willie na namimiss na niya ang tawanan at palakpakan ng audience sa studio, at sinabi niyang muli siyang magbabalik sa telebisyon soon.

Wala pang kumpirmasyon mula kay Willie kung PTV na ba ang magiging bagong tahanan ng Wowowin.