Hindi dadalo ang dating Presidente na si Rodrigo Duterte sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Batasang Pambansa ngayong Lunes ng hapon.

Ito ang isinapubliko ng kaalyado ni Duterte na si Senator Christopher Lawrence "Bong" Go sa isang ambush interview nitong Lunes bago ang pagbubukas ng ikalawang regular session ng 19th Congress sa Senado.

"'Di yata. Galing po siya sa China, medyo pagod. Nasa Davao po siya. Kakarating lang niya nu'ng Sabado,” anang senador.

Si Go ay dating naging special assistant ni Duterte bago nahalal bilang senador sa nakaraang 2019 elections.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa Beijing si Duterte nitong nakaraang linggo at nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping para sa umano'y  ikatatatag ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nauna nang inihayag ni Marcos na alam niya ang naging biyahe ni Duterte sa China at pabor din siya sa anumang bagong "line of communication" ng Pilipinas sa China sa gitna ng iringan sa South China Sea.