Hindi tinamaan ang ₱29.7 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nakahula sa 6 digits na winning combination na 49-55-20-52-36-47.

Sa draw naman ng 6/45 Mega Lotto, walang tumama sa jackpot nito na aabot sa ₱11,968,794.80 para sa kombinasyong 18-21-20-16-38-27.

Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.