Handa na ang mahigit sa ₱200 milyong halaga ng relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyong Egay sa Bicol region, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binanggit ni DSWD Bicol regional chief Norman Laurio, nakipagtulungan na sila sa mga gobernador sa rehiyon upang masubaybayan ang sitwasyon sa mga nasasakupang lalawigan.

Kabilang sa mga ito sina Governor Luigi Villafuerte ng Camarines Sur, Gov. Ricarte Padilla ng Camarines Norte at Gov. Joseph Cua ng Catanduanes.

Tiniyak din ni Laurio sa mga gobernador na sapat ang mga family food product (FFP) na nagkakahalaga ng ₱90,600,846.26 at non-food items (₱114,952,501.16) at nakahanda na ang mga ito sa DSWD Field Office na nasa 48 na local government unit (LGU) at sa mga bodega ng ahensya sa rehiyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaagad aniyang ipamamahagi sa mga residente ang mga relief goods sakaling lumala na ang sitwasyon.