Inalerto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon sa posibleng pagragasa ng lahar sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Egay.

Partikular na pinaghahanda ng Phivolcs ang mga residente malapit sa mga ilog dahil sa nakaambang ng pagdaloy ng lahar sa Mi-isi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, at Basud Channels.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinagbatayan ng Phivolcs ang weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng umaga na nagsasabing posibleng umabot sa 100 mm (millimeter) ang ibabagsak na ulan ng bagyo sa Catanduanes at Northern Samar mula Linggo (Hulyo 23) hanggang Lunes (Hulyo 24).

Huling namataan ang bagyo 900 kilometro Silangan ng timog silangan ng Luzon.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga at hilagang kanluran, taglay ang lakas ng hanging 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 70 kph.