Bahagyang lumakas ang bagyong Dodong habang kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 14.

Sa tala ng PAGASA nitong 8:00 ng gabi, namataan ang mata ng Tropical Depression Dodong sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte na may maximum sustained winds na 55 kilometer per hour at pagbugsong 90 kilometer per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour.

Naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kanlurang bahagi ng Cagayan (Pamplona, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Allacapan, Lasam, Santo Niño, Tuao, Rizal, Piat, Abulug, Ballesteros, Enrile, Solana, Amulung, Alcala) kabilang na ang kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Dalupiri Is., at Fuga Is.)

Apayao

Kalinga

Abra

Mountain Province

Ilocos Norte

Ilocos Sur

“DODONG is forecast to move westward or west southwestward in the next 6 hours before turning generally northwestward over the West Philippine Sea until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Sunday early morning,” anang PAGASA.

“Outside the PAR, DODONG will move generally west northwestward over the waters south of southern China,” dagdag pa nito.

Maaari umanong maitaas ang bagyong Dodong sa tropical storm category nitong Biyernes ng gabi o bukas ng umaga, Lunes, Hulyo 15.

Bukod dito, ayon pa sa PAGASA, maaari pa itong lumakas at maging isang severe tropical storm at maaaring umabot sa peak intensity na 110 km/h habang nasa ibabaw ng West Philippine Sea.