Kapansin-pansing ibang aura ang makikita sa Kapamilya singer na si Janine Berdin matapos siyang rumampa at i-flex ang mga larawan niya sa sikat na Abbey Road sa London, UK noong Biyernes, Hulyo 7.

Sa Instagram post ni Janine nitong Linggo, Hulyo 9, makikita talaga sa aura niya na masayang-masaya siyang nakarampa at ni-recreate pa ang kuhang larawan ng bandang “The Beatles” noon na siyang dahilan kung bakit sumikat ang nasabing kalsada.

“All blue” naman ang kaniyang naging paandar para sa outfit niya noong araw na iyon.

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Janine sa Panginoon at maging na rin sa universe dahil saktong kaarawan pa ng kaniyang tila bias sa bandang “The Beatles” na si Ringo Starr o Richard Starkey.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Mamaa, Papaa nakaadto kog Abbey Road 😭 July 7, 2023!! sakto b-day pa ni Ringo. Salamat sa lahat Lord&Universe.” aniya.

Matatandaang nasa London si Janine dahil isa siya sa performers ng “1MX London” na kasama rin sina Maymay Entrata at Moira Dela Torre.