Isa ang nanalo ng mahigit sa ₱7.6 milyong jackpot sa draw ng National Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 03-28-12-26-08-21.

Aabot sa ₱7,656,441.80 ang premyo sa nasabing lotto draw.

Pinayuhan ng PCSO ang nanalong mananaya na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City at dalhin ang dalawang valid identification (ID) cards at ticket nito upang makubra ang premyo.

Kakaltasan ng 20 porsyento ang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Binobola ang National Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado.