Sa ikalawang pagkakataon, idederehe ni Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sa isang panayam nitong Martes, Hulyo 4, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na si Soriano pa rin ang itinalaga bilang direktor ng SONA ngayong taon.
"Si Paul Soriano pa rin ang kasama namin dito sa preparations. ‘Yun so far, there could be more additional help," ani Velasco.
Nakatakdang maganap ang SONA ngayong taon sa darating na Hulyo 24.
Matatandaang si Soriano rin ang nagderehe ng kauna-unahang SONA ni Marcos noong Hulyo 25, 2023. Matapos ang tatlong buwan simula noon, itinalaga siya bilang presidential adviser.
Si Soriano, maging ang kaniyang asawang si Toni Gonzaga, ay kilalang tagasuporta ni Marcos noong nakaraang eleksyon.
Siya rin ay pamangkin ni First Lady Liza Araneta Marcos.