Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko dahil ginagamit umano ng ilang indibidwal ang na-hack na Facebook account ng tatlong dating regional director ng ahensya upang makapanghingi ng pera.

"Maging mapanuri at 'wag magpalinlang! Ang Facebook account ng dating DSWD Regional Directors Restituto Macuto,, at Leticia Trinidad Diokno ay na-hack at ginagamit upang mangutang o manghingi ng pera," ayon sa social media post ng ahensya.

"Mangyaring i-report ang mga nasabing Facebook account. Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon," sabi pa ng DSWD.

Hindi na binanggit ng ahensya kung ilan ang naging biktima ng na-hack na social media account ng tatlong dating opisyal.
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'