Camp Gen. Vicente Lim, Laguna - Patay ang isang kagawad nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki sa harap ng barangay hall sa Cabay, Tiaong, Quezon nitong Miyerkules.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A), kinilala ang biktima na si Ricky Galangga, 44, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Peter Paul Medical Center.

Dakong 5:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa nasabing lugar, ayon sa pulisya.

Nasa labas na ng kanilang bulwagan ang biktima matapos dumalo sa kanilang pagpupulong nang dumating ang tatlong suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Lumapit ang isa sa mga suspek at biglang binaril ang biktma.

Kaagad na tumakas ang tatlong suspek matapos isagawa ang pamamaslang.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng caliber .9mm at isang bala.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.