Dalawang Pinoy na pinatawan ng parusang kamatayan dahil sa pagdadala ng illegal drugs sa United Arab Emirates (UAE) kamakailan ang binigyan ng humanitarian pardon, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.

Bukod dito, isa ring Pinoy na hinatulan naman ng 15 taong pagkakakulong sa kasong slander ang binigyan din ng pardon ni UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.

Sinabi ng Malacañang, tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang presidente ng UAE at nagpasalamat sa pagbibigay nito ng kapatawaran sa tatlong Pinoy.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nitong Abril 27, nagpadala ng magkahiwalay na liham si Marcos kay Al Nahyan upang hilinging bigyan ng pardon ang tatlong Pinoy.

Ang impormasyon hinggil sa nasabing desisyon ng UAE ay natanggap ni Marcos kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. nitong Huwebes ng gabi.

Nitong Enero, lumabas sa ulat ng Gulf News na hinatulan ng Criminal Court of Abu Dhabi ng parusang kamatayan ang dalawang Pinoy matapos mapatunayang nagkasala sa pagdadala ng illegal drugs.

Kaugnay nito, inimbitahan muli ni Al Nahyan si Marcos na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre.