Matapos ang naging preliminary show at pagsalang ng mga kandidata sa kani-kanilang close door interview, gaganapin na bukas, Hunyo 24, ang ika-17 Miss International Queen 2023, na idaraos sa Pattaya, Chonburi Thailand.

Matatandaang nasungkit noong nakaraang taon ni Fushia Anne Ravena ng Tisa, Cebu City ang titulo ng nasabing pageant at inaasahang siya ang magpuputong ng korona sa bagong tatanghaling Miss International Queen 2023.

Makikita naman sa Facebook page ng Miss International Queen ang excitement ng bawat kandidata sa nalalapit nilang laban.

Hindi rin maiwasan ng fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang magkaroon ng kaniya-kaniyang pambato at gustong manalo bukas sa coronation night.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Hope back to back Philippines and mabuhay 🇵🇭”

“Good luck 🍀Cambodia 🇰🇭”

“I LOVE VietNam 🇻🇳🇻🇳”

“TEAM USA 🇺🇸❤️🤍💙🇺🇸”

“Spain or Netherlands. its highly time to give the crown to european region 😉”

Maraming Pinoy fans naman ang umaasang maiuuwi ni Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco ang back-to-back na panalo para sa Pilipinas.