Kinagiliwan ng netizens ang screenshot na inupload ni Nikko Natividad sa kaniyang Instagram account kung saan kapalitan nito ng mensahe ang aktor na si Wilbert Ross nitong Miyerkules, Hunyo 21.

Sa nasabing screenshot, mababasa na nanghihiram ng malaking jacket si Wilbert kay Nikko, ngunit walang mapahihiram si Nikko dahil ‘di umano ka-kasiya ang mga jacket nito sa kaniya.

Sinundan naman ng may halong patutsada ni Wilbert na maliit si Nikko at kahit anong gawing workout nito ay maliit na talaga. “Maliit ako pero tatlo car ko” agad namang realtalk ni Nikko kay Wilbert.

“Your biggest revenge is not success. REKTA TRASHTALK AGAD DAPAT” mababasang caption sa nasabing post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit hindi pa natatapos doon ang bardagulan ng dalawa dahil bumwelta pa rin si Wilbert sa comment section.

“Tatlong car na binabayaran monthly < Isang car na fully paid”

Lalong nakilala naman si Nikko ng netizens dahil sa mga nakatutuwang humors nitong ibinabahagi sa kaniyang social media accounts.

Arci Brezuela Rutagenes