Kinagiliwan ng netizens ang naging Father’s day greeting ng asawa ni Drew Arellano na si Iya Villania nang i-post niya sa Instagram ang larawan ng kaniyang mag-aama na sangay-sangay habang natutulog. 

“You know they just can’t get enough of you when every night they’re fighting just to get a piece of you. Clingy 24/7. We love you so much @drewarellano! Happy Father’s Day, love.” naman ang mababasang caption sa Instagram post ni Iya noong Father’s day, Hunyo 18, 2023.

Nakilala naman si Drew dahil sa sikat nitong programang “Biyahe ni Drew”, isang Travel documentary na mapapanood sa GMA “Kapuso” Network simula pa noong taong 2013 at mayroon nang kabuoang 7 seasons.

Sari-sari naman ang mga naging komento ng netizens sa larawan ng mag-aama.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Napagod sa byahe si drew”

“Nakatutuwa makita na sobrang clingy ng mga bata. Enjoy while they still cling with you guys”

“Isa na lang po aandar na”

Taong 2003 naman nang unang magkakilala sina Drew at Iya dahil parehas silang bumida sa GMA's youth-oriented show na "Click." Sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Alana Lauren naman ang kanilang chikitings na talagang kinagiliwan ng netizens.

Arci Brezuela Rutagenes