Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Tawi-Tawi nitong Biyernes ng madaling araw, Hunyo 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:41 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 369 kilometro ang layo sa timog-silangan ng South Ubian, Tawi-tawi, na may lalim na 486 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.