Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Biyernes, Hunyo 16, na “very promising” ang "agricultural ties" ng Pilipinas at China dahil pareho umano ang pananaw ng dalawang bansa sa kani-kanilang sektor ng agrikultura.

Sinabi ito ni Marcos matapos saksihan ang turnover ceremony ng 20,000 metrikong tonelada ng urea fertilizers ng gobyerno ng China sa Pilipinas sa Valenzuela City.

“It’s very, very promising,” ani Marcos sa isang panayam nang tanungin siya hinggil sa kaniyang inaasahan sa agricultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“It turns out that the priority that we put here in the Philippines on agriculture, the Chinese government, as it was explained to me by President Xi when I went to visit him last January, was the same, that their outlook, that their priorities are the same,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng Pangulo na may parehong layunin ang Pilipinas at China na magbigay ng abot-kayang supply ng pagkain sa mga tao, tiyaking maaasikaso ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mabigyan sila ng magandang buhay, at mapahusay ang pagiging produktibo ng agricultural commodities ng dalawang bansa.

Binigyang-diin niya na mahalagang mapanatili ng dalawang bansa ang magandang ugnayan upang matuto umano sa isa't isa pagdating sa agrikultura.

“So we can learn from one another in many, many ways. And I think that has been an ongoing process for a long time now. Not just now because of the food crisis that we are feeling around the world, but also because we have very similar priorities when it comes to agriculture,” ani Marcos.

“So, I’m very optimistic,” dagdag niya.

Ipinahayag din ng Pangulo na kumpiyansa siyang patuloy na makikinabang ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa China, at makatutulong umano ito sa pagtaas ng produktibidad ng sektor ng agrikultura.

Betheena Unite