Nanawagan na ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa mga negosyante na gawing ₱85 na lamang ang kada kilo ng asukal.

Ang apela ay isinagawa ng SRA sa gitna ng tumataas na presyo ng produkto sa Metro Manila.

Nasa ₱110 na ang per kilo ng refined sugar sa National Capital Region kahit sapat pa ang suplay nito sa bansa.

“We have enough sugar supply, thus I do not see any reason why retailers can’t bring their prices down at a much affordable rate for our consumers,” pahayag naman ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Pagdidiin ni Azcona, kahit ibaba ang presyo ng asukal na may gate price na hanggang ₱60 kada kilo, kiikita pa rin ang mga negosyante.

“Everyone is profiting enough to make it available to the consuming public at ₱85 per kilo,” anang opisyal.

Nakiusap din ito sa mga local government unit (LGU) na ipairal ang suggested retail price (SRP) na ₱85 dahil walang kapangyarihan ang ahensya na ipatupad ito.

Hinikayat din nito ang mga mamimili na tangkilikin ang mga Kadiwa rolling store ng Department of Agriculture (DA) na nag-aalok ng refined sugar na ₱70 per kilo.

Philippine News Agency