BUTUAN CITY – Walang iniulat ang Office of Civil Defense (OCD) sa Southwestern Mindanao at Sulu Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinsala o nasawi mula sa magnitude-4.6 na yumanig sa lalawigan bago magmadaling araw nitong Sabado, Hunyo 3.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang lindol dakong 1:40 a.m. at ang epicenter nito ay itinuro sa anim na kilometro (kms) kanluran ng Hadji Panglima Tahil, Sulu.

Ang pagyanig ay may lalim na 19 kms, sabi ng Phivolcs.

Naitala ang Intensity IV sa Jolo, Sulu habang Intensity III naman sa Zamboanga City.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Natukoy ng mga instrumento ng Phivolcs ang lindol sa Intensity II sa lungsod ng Zamboanga.

Inaasahan ng Phivolcs na walang aftershocks mula sa lindol.

Makalipas ang ilang oras alas-5:40 ng umaga, naitala ang magnitude-4.3 tectonic na lindol at ang epicenter nito ay na-plot sa layong 106 kms timog-kanluran ng Balut Island, Sarangani), Davao Occidental na may lalim na 24 kms.

Walang inaasahang pinsala o aftershocks ang inaasahan mula sa lindol na ito.

Mike Crismundo