"Sa unang kagat, carbonara lahat."

Nagdulot ng katatawanan sa social media ang Facebook post ng netizen na si "Cris Andam" matapos niyang mapagkamalang ice cream ang sauce ng carbonara na nakalagay sa container ng isang kilalang ice cream brand.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Mayo 22, agad tumambad sa kaniya ang mushrooms na nasa loob ng tumigas nang sauce ng carbonara.

Kung titingnan naman kasi, aakalaing ice cream ang nakalagay rito na mukhang Double Dutch flavor pa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Tanginang yan kala ko ice cream, sauce pala ng carbonara. #SaUnangKagatCarbonaraLahat #Paasa," aniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 12k reactions at 10k shares ang naturang Facebook post.

Matatandaang forda relate at aliw ang netizens sa post naman ng isa pang netizen na si ni Angelo Jose mula sa Bulacan, tampok ang bagong disenyo ng lalagyan ng isang ice cream brand kung saan see-through na ito, kaya’t wala na raw malilinlang kapag pinaglagyan ulit ito ng isda.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Angelo na napadaan siya sa isang convenience store para mag-almusal bago pumasok sa trabaho nang mapansin niya ang ice cream freezer dito.

“Naupo ako sa tabi ng ice cream freezer nang mapansin ko na iba na yung lalagyan nila at kita na ‘yung laman. Pumasok agad sa isip ko yung mga biruan at memes na isda o ulam ang laman ng lalagyan ng ice cream kaya naisip ko agad ipost,” kuwento niya.

MAKI-BALITA: ‘Di na tayo malilinlang!’ Translucent container ng isang ice cream brand, kinaaliwan!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!