Wala raw pressure na nararamdaman ang nagwaging Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee kahit mataas ang ekspektasyon sa kaniya ng lahat, gayundin sa mga kritisismo at pagtaas ng kilay na natatanggap matapos masungkit ang korona at titulo.

Sa panayam sa kaniya ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas sa podcast, inamin ni Michelle na inasahan na niyang marami ang magsasabi ng mga di-magagandang bagay at magkukuwestyon sa kaniyang pagkapanalo. Hindi raw niya hahayaang mapasok ng mga negatibong komento ang kaniyang isipan at baka makaapekto sa kaniya sa goal na maiuwi at maibalik ang winning streak ng Pilipinas sa naturang prestihiyosong beauty pageant.

"It's expected, it's very inevitable because you have fans supporting different bets, and when their bets don't win, they'll have a negative reaction," ani Michelle.

"So for me, how does it affect me? It doesn't. I don't give anyone, especially those who don't know me or the right to affect who I am or who I believe I am."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa, "The pressure was high, but I didn't feel any pressure, overtime I had to go out and do my rampa.I was just as calm as anyone could be. I was just having so much fun. And I think that's the product of divine intervention. I prayed so hard."

Aminado si Michelle na noong Miss Universe Philippines 2022 ay labis siyang nasaktan matapos matalo, subalit naging motibasyon niya ito upang mas pag-igihan pa.

Saksi raw ang kaniyang mga kaibigang sina Kapuso actress Rhian Ramos at Max Collins sa kaniyang mga pinagdaanan; noong natalo siya, at ngayong muli siyang bumangon at nagtagumpay na nga.

Sa ngayon, nakapokus si Michelle sa paghahanda para sa laban niya sa El Salvador ngayong taon.

BASAHIN: ‘Hindi DEE-serve?’ Michelle Dee, pinagtataasan ng kilay bilang MUPH 2023