Nagkaloob ng libreng gamot ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa bayan ng Pulilan, Bulacan, ayon sa ahensya nitong Biyernes, Mayo 26.

Ayon sa PCSO, pinangunahan ni Executive Assistant Arnold Arriola ang pamamahagi ng mga libreng gamot sa nasabing bayan na kinatawan ni Prosperita Bondo, executive assistant ni Kagawad Maria Rosario Montejo, punong bayan ng munisipalidad.

Naganap ang ceremonial turnover noong Mayo 25, 2023 sa Office of the PCSO General Manager sa Mandaluyong City.

Anang PCSO, ang nasabing hakbangin ay bilang tugon ng pawagan nito at isa sa mga prayoridad umano ng programa ng opisina ni Pangulong Bongbong Marcos, na itaas ang antas ng kalusugan sa bawat sulok ng bansa.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5