Usap-usapan ngayon sa Twitter world ang mga naging pahayag ng international award-winning actress na si Dolly De Leon patungkol sa mga binitiwang pahayag ng dating Kapamilya star na si Liza Soberano, hinggil sa kaniyang karanasan sa showbiz career.

Ayon sa naging panayam ng TV5 news anchor na si Julius Babao kay Dolly sa kaniyang vlog, wala siyang nakikitang masama sa mga nasabi ni Liza.

Ilan sa mga ito ay ang "pagkahon" sa kaniya sa isang genre at katambal, gayundin ang patungkol sa "love teams."

BASAHIN: Pahayag ni Liza tungkol sa ‘love team’ sa Philippine showbiz, umani ng reaksiyon

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Whatever she said, it's her truth and we have to respect it. We should allow people to voice out whatever, I mean like me, I'm voicing out so many things, 'di ba," pahayag ni Dolly.

"So why not give her the space that she deserves to speak her truth, and for me, kung marami siyang mga negative feelings or hinanakit... it's only human for us to talk about that and be honest about our experiences, there's nothing wrong with that."

Naniniwala si Dolly na unti-unti nang nakaka-penetrate si Liza sa Hollywood gaya ng goal nito ngayon.

"Actually naka-penetrate na siya sa Hollywood, meron siyang 'Liza Frankenstein,' malapit na 'yan... baka before you know it, nandiyan na siya..." saad pa ni Dolly.