Tinamaan ng 5.3-magnitude na lindol ang karagatang bahagi ng Batanes nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 9:48 ng gabi nang maganap ang pagyanig sa karagatang sakop ng Itbayat.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic o paggalaw ng fault line malapit sa lugar ang sanhi ng pagyanig.

Ang lindol ay naitala 50 kilometro hilagang silangan ng Itbayat.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inaasahan ang pinsala at aftershocks ng pagyanig, ayon pa sa ahensya.