Ibinida ng tinaguriang "Dyosa" at It's Showtime host na si Anne Curtis na sumailalim siya sa acting refresher para sa nalalapit na pagbabalik-acting niya, na mukhang pagpapatuloy ng pelikulang "Buybust" na idinerehe ni Erik Matti.

Ayon sa Instagram post ni Anne, halos apat na taon siyang natengga sa pag-arte dahil na rin sa panganganak sa panganay nila ng mister na si Erwan Heussaff, na si Baby Dahlia Amelie.

"Acting refresher Day 1. It’s been 4 years ?‍?," ani Anne.

"Training blades came out while I was finishing these scripts @erikmatti ? I am extremely excited for this!"

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’

Marami na nga ang naeexcite na muling mapanood na umaarte si Anne, dahil sa ngayon ay mas tutok siya sa hosting stint sa noontime show.